Kim Box

Si Kim Box ay Presidente at CEO ng Gatekeeper Innovation, Inc., gumagawa ng mga produkto para sa ligtas na pag-iimbak para matiyak ang ligtas na pagtatago ng mga resetang medikasyon. Si Box ay isang Indipindiyenteng Direktor na nasa Lupon ng McGrath Rentcorp (NASDAQ:MGRC) na naglilingkod sa mga Komite ng Compensation at Audit at sa Lupon ng American River Bank (AMRB-NASDAQ) bilang Pinuno ng mga Direktor sa Komite ng Pagpapautang (Directors Loan Committee). Direktor siya sa sangay na NorCal ng National Association of Corporate Directors. Naging Direktor siya noon sa American Red Cross Delta Sierra Region kung saan ay namuno siya bilang Pinuno ng Lupon. Dati siyang HP Vice President na may malawak na karanasan sa Information Technology.

Sa HP pinangunahan niya ang mga serbisyong outsourcing ng IT, mga serbisyong suporta ng produkto sa kostumer at mga serbisyong IT na panloob. Kabilang sa kanyang karanasan ang pangunguna sa isang $1B global na organisasyon na may 100 lokasyon sa buong mundo. Si Ms. Box ay namuno sa mga malawakang saklaw na transpormasyon ng mga global na organisasyon na nagresulta sa pagbaba ng mga gastusin sa operasyon kasabay ng mga pagtaas ng kasiyahan ng kliyente. Kilala siya sa kanyang mahusay na kasanayan sa istratehikong pagpaplano, Information Technology, pagbuo ng kapareha/relasyon, mga merger at akwisisyon, pamumuno na itinutulak ng resulta, at mataas na tiwala na may kasamang matagumpay na pagsasakatuparan.