Jonathan G. Morgan

Binalikat ni Jonathan G. Morgan ang posisyon ng Presidentee at Chief Executive Officer ng Applied Science, Inc. noong 2009, pagkatapos ng maraming taon ng pamamahala at pagtataguyod ng maraming negosyo. Siya ang nagpasimula at Presidentee at CEO ng PingDa Travel, isang kompanyang binuo upang balikatin ang malakihang pagbabago sa pangkorporasyong industriya ng paglalakbay sa China. siya rin ang Presidentee at CEO ng First Virtual Communications, isang developer ng malawakan ang saklaw at ligtas, uring pang-enterprise, maramihang media na mga solusyong pangkomunikasyon para sa mga kliyente tulad ng U.S. Department of Defense. Sinimulan ni G. Morgan ang kanyang Karera bilang investment banker, at naghawak ng matataas na posisyon sa maraming kumpanya, tulad ng pagiging Worldwide Head of the Technology Group sa Prudential Securities; Founding Partner at Managing Direktor ng mga merger at acquisition na mga negosyo sa Montgomerry Securities, at miyembro ng Morgan Stanley Mergers at acquisition department.

Si G. Morgan ay nagtatag at Chairman ng Plus 3Networks, isang pioneer sa paggamit ng social media upang bumuo ng mga corporate wellness solutions; isang miyembro ng strategic advisory board sa Bishop Wisecarver, lider sa engineering at development of motion technology solutions, at independent na director ng Zuli Inc, isan kompanyang nakatutok sa pagbuo ng Bluetooth low energy na mga device at mga kaugnay na mesh network na parehong mahusay at malawakan ang saklaw. Tinamo niya ang kanyang HBA sa School of Business Administration sa University of Western Ontario, kung saan siya ay miyembro ng Dean's Honor List.